SAMPUNG pamilya ang nawalan ng tahanan nang matupok ang magkakatabing bahay sa lungsod ng Pasay.
Ayon sa Pasay Bureau of Fire Protection, naganap ang sunog sa Barangay 183 Villamor, at nagsimula ang sunog dakong alas-9:30 ng gabi at umabot sa ikatlong alarma.
Nagsimula umano ang apoy sa isang bodega na nasa ikatlong palapag ng bahay ng isang residente na nakilalang si Nicanor Sta. Ana.
Hinihinalang loose at faulty wiring umano ng koryente ang dahilan ng pagsiklab ng apoy na mabilis na kumalat sa mga kata-bing bahay.
Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente na naapula dakong alas-11:10 ng gabi. BENJARDIE REYES