LIBO-LIBONG pamilya ang nawalan ng tahanan at mga mahal sa buhay dahil kay Super Typhoon Yolanda na nanalasa sa Tacloban city, Leyte province, central Philippines, noong Nov. 9, 2013.
Sino ang makalilimot sa Super typhoon “Yolanda” (Haiyan) na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas na deadliest natural disaster na tumama sa bansa, kung saan abot 10,000 ang namatay sa isang isla pa lamang. Nag-landfall ang bagyong Yolanda sa Eastern Samar, at nanalasa sa cen-tral islands, na naging sanhi ng matinding ulan at malakas na hanging nagpabagsak sa mga puno, poste at mga bahay.
Ang Tacloban city, Leyte ang pinakamatinding tinamaan nito. Sa Samar, 300 ang namatay sa isang bayan pa lamang at 2,000 ang nawawala na hinihinalang namatay rin.
Habang nagtatagal, lalong dumarami ang bilang ng mga namatay, at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito naibabalik sa dati.
Sanay ang mga Filipino sa ganitong disasters ngunit ang bagyong Yolanda ang kauna-unahang Signal No. 4. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa lokasyong palaging dinaraanan ng bagyo at ng tinatawag na Ring of Fire, isang malawak na Pacific Ocean region na dinaraanan ng mga lindol at pagsabog ng bulkan.
Bukod sa Yolanda, may siyam pang pinakamatitinding bagyong naranasan ang Pilipinas. Huwag na lindol at bagyo.
- Isang tsunaming dala ng Bagyong Didang ang naging sanhi ng lindol na umabot sa 7.9 na nanalasa sa Moro Gulf sa southern island of Mindanao noong August 16, 1976, kung saan namatay ang halos 8,000 katao.
- Ang bagyong Uring naman ang nanibasib sa Ormoc City sa isla ng Leyte noong November 15, 1991, na pumatay naman sa 5,100 katao.
- Bagyong Pablo naman ang nagpadapa sa Mindanao noong December 3, 2012. Dahil hindi sila sanay na binabagyo, hindi rin nakapaghanda ang mga tao kaya maraming namatay. Abot 1,900 ang namatay o nawawala sa nasabing lugar. Isa itong napakalakas na bagyong tuma-ma sa Davao Region. Matinding pinuruhan nito ang Davao Oriental at Compostela Vallet. Nagdulot ito nang malawakang pagkasira nang mga bahay dahil sa taglay nitong malakas na hangin. Nagpaulan ito sa Bukidnon at Misamis Oriental, kabilang na rin rito ang Palawan, mga lugar na dati ay hindi binabagyo. Maihahalintulad ang Bagyong Pablo, sa mga Bagyong Ruby, Bagyong Nina, at Super Bagyong Lawin. Si Pablo rin ang pangalawang bagyong nanalasa sa loob ng Millemium 21th century, una rito ang Bagyong Sendong. Nag landfall ito sa mga bayan ng Cateel, Davao Oriental, Tangub at Taytay, Palawan.
- Isang 7.8 magnitude earthquake ang humagupit sa Baguio City na ikinaguho ng sikat na Hyatt Terraces Plaza noong July 16, 1990. Umabot sa 1,621 katao ang namatay matapos matabunan ng mga pagguho.
- Ang mga namatay at nasalanta ng Bagyong Nitang ay karamihang sa Southern provinces ng Surigao del Norte at Bohol, malapit sa north coast ng Mindanao, at sa Negros Occidental at Central/Southern Cebu provinces. Sa madaling sabi, pitong rehiyon ang nasakop nito noong August 31, 1984 na ikinamatay ng 1,363 katao.
- Ito ang ikinukwento ng mga great grandparents natin sa Batangas – nang pumutok ang Taal volcano, noong January 30, 1911 na ikinamatay ng 1300 katao. 101 kilometro ang layo ng Taal Volcano sa Manila ngunit ramdam pa rin ang pagyanig na dal anito at kita ang mga bilang apoy na ibinubuga ng bulkan sa nasabing siyudad.
- Bulkang Mayon naman ang sumabog at naghasik ng lagim noong February 1, 1814, na nagbaon sa kalapit na bayan ng Cagsawa sa abo at bato. Abot 1,200 katao ang namatay dito. Sa kasalukuyan, dinadayo ng turista ang maalamat na simbahan na kung tawagin ay Cagsawa Ruins.
- Isang buong bundok ang gumuho at tumabon sa isang baryong kung tawagin ay Guinsaugon sa Central Leyte noong February 17, 2006, dahil lamang sa ulan dala ng habagat, na ikinasawi ng 1,126 katao.
- Bagyong Pedring naman ang bumanat sa northen part ng Mindanao noong December 16, 2011, na ikinasawi ng 1,080 katao.
- Baha at landslides ang idinulot ng Bagyong Trix na kumitil ng 995 buhay sa Bicol region nooong October 16, 1952.
Hindi ko mahanap ang Philippine name nito dahil kahit ang Mommy ko ay hindi pa ipinanganganak nang maganap ito– KAYE NEBRE MARTIN
Comments are closed.