10 PINOY NA NAG-PARTY SA ITALY  HINULI

Rome

ROME – SAMPUNG Filipino na nakabase sa Barese City ang naaresto dahil sa paglabag sa mga guidelines sa gitna ng lockdown doon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nagkakantahan at nag-imbita sa mga kaibigan ang mga nahuling Pinoy sa loob mismo na kanilang condominium.

Dahil dito, may nag-report sa awtoridad hinggil sa ginagawa ng mga Filipino kaya agad nagtungo sa lugar ang mga pulis at dinakip ang mga ito.

Ipinaliwang ni Macadangdang na kasama sa ipinatupad na guidelines ng gobyerno ay bawal munang mag-imbita ng mga kaibigan sa bahay, gayundin ng magkumpulan sa iisang lugar at iba pa para maiwasan at hindi na kumalat pa ang nakamamatay na virus.

Dahil dito, posibleng makulong ang mga ito ng anim na buwan hanggang dalawang taon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.