BINUKSAN na ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang sampung palaruan sa Sentro Sama-Samang Serbisyo Centers (3S).
Para makapunta, kailangang may kasamang magulang o guardian ang mga bata sa amusement spaces na bukas araw-araw mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Lilimitahan naman ang mga magtutungo rito upang matiyak na maayos na nasusunod ang health protocols.
Ang sampung center playgrounds ay nasa Barangays Gen. T. De Leon, Karuhatan, Marulas, Punturin, Paso De Blas, Lawang Bato, Maysan, Bagbaguin, Ugong, at Arkong Bato. DWIZ 882