10 POLITIKO NASAWI SA ELECTION PERIOD

ELECTION PERIOD

CAMP CRAME – SAMPU katao ang napaslang nang dahil sa politika, ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa ginagawang election period monitoring ng kapulisan.

Ayon kay PNP spokesman Col. Bernard Banac, nasa sampung political personalities ang nasa kanilang talaan na biktima ng politically motivated  killing.

Habang may ilang kaso ng pagpatay na inuugnay sa midterm election ang kasalukuyan pang sinisiyasat at kinukumpirma ng PNP kung may kaugnayan sa nalalapit na eleksiyon.

Nasawi ang 10 katao sa 22 insidenteng may kaugna­yan sa 2019 midterm elections, ayon sa PNP.

Sa naturang bilang, sinabi ni Banac, may 11 ang naita­lang sugatan habang 14 katao rito ay nakaligtas mula January 13 hanggang April 30.

Ani Banac, ito ay naitala sa iba’t ibang parte ng bansa.

Sa kasalukuyan ay wala pang rehiyon ang nakapagtala ng maraming election related violence.

Ayon kay Banac nanati­ling nakataas pa rin ang antas ng alerto ng kapulisan at naka kasa na rin ang mahigit  160,000 na pulis na ikakalat sa panahon ng botohan para matiyak na magiging tahimik maayos at  mapayapa ang gaganaping botohan.

Sa kasalukuyan ay nasa 941 na lugar ang ikinonsidera ng PNP bilang election hotspot at mga areas of immediate concern. VERLIN RUIZ

Comments are closed.