ISINALAYSAY sa inyong lingkod ng ating kaibigan na si TAO MUNA secretary-general Omar Fajardo ang 10-point legislative agenda at Magna Carta on Social Justice (MCSJ) ng partido na tunay na sumasalamin sa kapakanan at pangangailangan ng nakararaming Pinoy.
Mariing binigyan diin ng lider ng TAO MUNA (#82 sa balota) Partylist na prayoridad di-umano nito sa papasok na Kongreso ang adhikaing lehislatura at pagsulong ng isang Magna Carta on Social Justice (MCSJ) na tutugon sa mga pangangailangan ng nakararaming Pinoy.
Ang 10-point legislative agenda/MCSJ ng TAO MUNA (#82):
1.Isabatas ang isang Comprehensive People’s Relocation Plan para sa mga informal settlers: a. Ma-kataong pabahay b. Accessible c. May oportunidad at kabuhayan at d. May patubig, koryente at kalsa-da.
2. P5,000 free food voucher sa loob ng tatlong (3) buwan para sa mga manggagawang nawalan ng tra-baho o na “endo” (end of job contract).
3. Ibsan ang epekto ng Public Utility Vehicle modernization program (PUVMP): Mas mababa ng inter-est sa babayarang kapital at mas maluwag na pagbabahagi ng prangkisa sa maliliit na operators.
4. Seguridad sa OFWs: a. “Creation of the Department of Overseas Filipino Workers” (DOFW) b. Con-vert OWWA into an “OFWs Social Security System” (OSSS) c. Creation of OFW / LABOR HOSPITAL d. Creation of the “OFWs Investment Guarantee Fund” e. Creation of a Separate court for OFW cases.
5. 20% diskwento sa lahat ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para sa lahat ng kasundaluhan at kapulisan.
6. Suportahan ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng pagpapalakas ng programa ng DTI at DOLE sa magaan na pagpapautang at paghahanap o pagpapalapad ng merkado.
7. Ilapit sa mga mahihirap na komunidad at malalayong barangay ang programang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng Barangay Health Workers (BHWs).
8. Magtaguyod ng libreng gamot para sa kapuspalad nating mga kapatid.
9. Gawing malawakan at makatao ang drug rehabilitation program. Ibaba ang programa sa mga baran-gay upang bigyan ng parte ang komunidad at pamilya sa rehabilitasyon ng drug dependents.
10. Isulong ang anim na buwang moratorium sa panghuhuli sa mga UV dahil sa wala namang ini-issue na prangkisa at kawawa tiyak ang mga pasaherong pagod na sa trabaho, nai-stranded pa sa daan.
Ayon pa kay Cong. Fajardo, ang naturang 10-point agenda ay magsisilbing gabay ng TAO MUNA (#82) sa adhikain nitong magsilbi sa bayan sa Kongreso ng tunay at dalisay na’t higit sa lahat, ang TAO MUNA ANG UNA!
Comments are closed.