10 PULIS ABSWELTO SA PAGKAMATAY NI MAGLINTE

BIGO ang imbestigador na patunayang may sala ang 10 pulis sa pagkamatay ng 16-anyos sa isang operasyon noong Hunyo 16 sa Binan, Laguna.

Kaya naman inabswelto ng Philippine National Police Internal Affair Service (PNP IAS) ang mga nasangkot na pulis.

Paliwanag ni IAS Inspector General Alfegar Triambulo, bigo ang imbestigador na may foul play sa pagkamatay ni Johndy Maglinte, na kasabwat umano ng drug pusher.

Sa police blotter, si Maglinte at ang drug suspect Antonio Dalit na umano’y pumalag sa aresto ang nagpaputok sa police operatives na noo’y nagsisilbi lamang ng warrant of arrest.

Nang mapaslang si Maglinte ay isinailalim sa restrictive custody ang sampung pulis na kasama sa operasyon.

Sinabi ni Triambulo na nanindigan ang mga nag-imbestiga na sumunod sa protocol ang sampung pulis at walang nalabag sa kanilang operasyon.

“Malinis naman. Naka-document lahat,” ayon kay Triambulo at sinabing wala namang saksi na makapagpatunay sa alegasyong sinadyang mapatay sina Maglinte at Dalit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *