CAVITE – REHAS na bakal ang binagsakan ng sampung sabungero makaraang masakote ng mga awtoridad sa ilegal na tupada sa bahagi ng Sitio Pilipit, Barangay Kaytitinga 2 sa bayan ng Alfonso, Cavite kamakalawa ng hapon.
Pormal na kinasuhan kaugnay sa paglabag sa PD 1602 ang mga suspek na sina Wiliam Perea, 46; Junnel Dime, 23; Alias Esbieto Jr., 51; Teodoro Hemson, 52; Robert Lee Peji, 23; Cris Vicedo, 23; Jimmy Cailing, 48; Ronald Monterey, 21; Mark Anthony Salapa, 33; at si Emiliano Salapa, 41, pawang nakatira sa iba’t ibang barangay sa nabanggit na bayan.
Base sa ulat ni SPO1 Dante Baje na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, nakatangap ng tawag sa telepono ang pulisya kaugnay sa nagaganap na illegal cockfighting o tupada sa nasabing barangay.
Gayunman, kaagad na rumesponde ang arresting team ng pulisya sa pangunguna ni PO3 Richard Atienza kung saan naaktuhan ang mga suspek sa tupada.
Nagpulasan naman sa iba’t ibang direksiyon ang mga sabungero makaraang salakayin ang illegal cockfighting subalit nasakote ang sampu habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Menardo Aventurado.
Narekober sa gambling site ang anim na månok na sasabungin, P6,270 cash betting money, dalawang dressed roster at mga cockfighting paraphernalia tulad ng tari. MHAR BASCO
Comments are closed.