10 SUSPEK PA PINAGHAHANAP SA PAGKAMATAY NI SALILIG

LAGUNA- KINUMPIRMA ni Lt.Col. Virgilio Jopia, Binan police chief na 10 na lamang ang natitirang nagtatagong suspek na responsable sa pagkamatay ng 3rd year chemistry student ng Adamson University na si John Matthew Salilig.

Sa panayam kahapon kay Jopia, sanabi nito na sa sandaling sumuko ang sampung suspek ay agad nilang isasampa ang kaso sa korte.

Nilinaw din ni hepe na ang nagsilbing driver ng Mitsubishi Adventure na si alias “ Sakmal” kung saan isinakay ang wala ng buhay na si Salilig ay nag-suicide sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili noong ika- 28 ng Febrero sa mismong araw na natagpuan ang hubad na katawan ng biktima sa Imus.

Idinagdag pa ni Jopia na ang Master initiator na si Daniel Perry na sumuko kay Cavite Governor Jonvic Remulla ay umamin na ito ang nagplano at nagsabi sa 18 frat members kung ilan ang ibibigay na hataw o palo sa apat na neophyte kasama si Salilig.

Si Perry din umano ang nangunang magdesisyon na ilibing na lang si Salilig sa para hindi “ sumingaw” ang krimen at ito rin umano ang naghukay sa paglilibingan ni Salilig.

Hindi naman kinumpirma ni Col. Jopia ang pahayag ni Perry na may ibinuhos pa sa katawan ni Salilig habang sumasailalim na initiation ng mga Tau Gamma member.
ARMAN CAMBE