(10 taon nagtago) 2 CHINESE TIMBOG SA KASONG FRAUD

LAGUNA-BUMAGSAK sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese National na wanted sa Beijing dahil sa pagkakadawit sa mga kasong fraud.

Batay sa report na ipinarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ang mga suspek na sina Sun Feng, 43- anyos at Xia Yaqin, 44-anyos.

Naaresto ang mga suspek nitong Martes sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng immigration fugitive Search Unit (FSU) sa Santa Rosa, Laguna.

Ayon kay Morente si Sun ay agad na pababalikin sa China sa bisa ng Summary Deportation Order na inisyu ng BI board of commissioners nitong Marso 2019.

Ayon sa impormasyon na nakalap mula sa Interpol’s national central bureau (NCB) sa Manila, si Sun ay mayroon warrant of arrest na inisyu ng municipal public security bureau sa Jiangyin, China noong pang Enero, 7, 2012.

May kaugnayan sa kasong fraud o investment scam ang suspek noong nagtatrabaho pa ito bilang high-ranking officer ng Chinese government-owned bank na may 10 tao na ang nakakaraan.

Napag-alaman na si Sun ay dating director ng Chinese government own bank kung saan kumita ito ng 145 milyon yuan, katumbas ng 21.6 milyon dollars mula sa mga bank depositor sa pamamagitan ng fraudulent high-interest loan scheme.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Xia, ay mayroon din nakabinbin na Warrant of Arrest na inisyu ng Jiangyin Municipal Public Security bureau noong Marso 5, 2012.

Dagdag pa ni Sy sina Sung at Xia ay nakapagtago sa bansa ng 10 taon sa tulong ng kanyang kapwang tsekwa upang makaiwas sa pananagutan ng batas. FROILAN MORALLOS