LUSOT na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang house bill 6817 o COVID-19 related anti-discrimination act.
Layon ng panukalang batas na patawan ng karampatang parusa ang sinomang magpaparanas ng diskriminasyon sa mga pasyenteng hinihinala o kumpirmadong may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sakop din ng panukalang batas na ito na mabigyan ng proteksiyon laban sa diskriminasyon ang mga frontline worker, migrant workers at kanilang pamilya.
Ang mga mapatutunayang lumabag rito ay maaaring makulong hanggang 10 taon at may multang nagkakahalaga ng isang milyong piso. DWIZ882
Comments are closed.