10 TAONG VALIDITY NG LISENSIYA NG BARIL APRUB KAY PRRD

BAGO bumaba sa puwesto, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na nagpapalawig sa validity ng lisensiya ng pagdadala ng armas.

Nilagdaan ng Pangulo ang batas noong Mayo 6, 2022

Ayon sa Republic Act 11766, sa halip na dalawang taon, tatagal na ng hanggang lima hanggang 10 taon ang license to carry firearms ng isang indibidwal.

Pinalalawig din ng batas ang registration ng baril mula sa apat na taon ay magiging lima hanggang 10 na taon na.

Nakabatay ang renewal ng lisensiya sa birthdate ng may ari.

Sakaling mabigo ang licensee na makapag-renew ng lisensya ng dalawang beses, madi-disqaulify na ito sa pag-apply ng lisensya.

Nakasaad na exempted naman sa batas ang mga elected officials pati na ang mga active at retired military at law enforcement personnel. EQUIROZ