10 TIKLO SA DRUG OPS

ARESTADO ang sampung hinihinalang drug personalities sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10 ng Huwebes ng gabi nang magsagawa ang mga ope­ratiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDE) sa pangunguna ni LT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa 6202 S Feliciano St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Guillen Dela Cruz, 27-anyos, at Larry Caridad, 43-anyos.

Kasama ring dinakip ng mga operatiba si Reynaldo Fulgencio Jr, 45-an­yos, at Axel Jax Fernando, 30-anyos, agent, matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachets ng shabu.

Narekober sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 15 gramo ng shabu na may standard drug price P102,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money, P700 cash, 3 cellphones at motorsiklo.

Dakong alas-5 naman ng Biyernes ng madaling araw nang respondehan naman ng kabilang team ng SDEU ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Block 4 Lot 4 De Gula Compound, Brgy. Gen. T De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kina Resty Quintana, 39-anyos; Francisco Vasquez,37-anyos; Mark Joseph Boleche, 24-anyos; Romeo Gonzales, 61-anyos; Edward Billones, 39-anyos; at Julius Buezon, 34-anyos, matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu.

Ayon kay SDEU investigator PCpl Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachets ng shabu, 2 unsealed plastic sachets na may bahid ng shabu, cellphone, coin purse at ilang drug paraphernalias. EVELYN GARCIA

4 thoughts on “10 TIKLO SA DRUG OPS”

Comments are closed.