Parating na naman ang Hunyo, pasukan na naman! Ready ka na ba sa first day of school? Kung hindi pa, narito ang ilang tips para magamit ang mga natitirang araw ng bakasyon sa paghahanda sa pasukan:
ABANGAN ANG BACK TO SCHOOL SALES
Tuwing magpapasukan, kabi-kabila ang mga warehouse sale at back-to-school sale mula sa mga mall at tiyangge. Sulitin ito at tiyak na makaka-discount ka nang malaki. Isa pang tip, kung balak namang mamili sa mga tiyangge, bumili sa isang tindahan lamang. Malaki ang chance na makahirit ka pa ng discount kasi marami ka namang binili sa kanila.
SIGURADUHING KOMPLETO ANG ENROLLMENT REQUIREMENTS
Ilang linggo bago magpasukan ay asikasuhin na ang mga dokumentong kailangang ipasa. Ayaw mo namang pumasok nang hindi ka pa enrolled ‘di ba?
BISITAHIN ANG PAPASUKANG SCHOOL BAGO MAGSIMULA ANG KLASE
Kung wala ka pang ideya kung saan at paano pumunta sa iyong school, bisitahin na ito bago ang unang araw ng pasukan. Ito ay upang maiwasang maligaw o ma-late sa klase.
IWASAN ANG LAST-MINUTE SHOPPING
Hangga’t maaari ay mamili na ng mga gamit sa school habang maaga pa lamang. Habang papalapit nang papalapit ang pasukan, pahaba naman nang pahaba ang pila sa malls at stores. Mabuti ito upang makaiwas na rin sa siksikan.
AYUSIN ANG STUDY AREA
Habang may time ka pa, puwede mong lagyan ng dekorasyon ang study table mo o ‘di kaya i-organize ang iyong files. Mas conducive ang iyong study sessions kung malinis at maaliwalas ang iyong study area.
SUMALI SA BRIGADA ESKUWELA
Ito ay programa kung saan nagtutulong-tulong ang stakeholders sa paglilinis at pagpapaganda ng eskuwelahan. Hindi ka lang makahahanap ng paraan upang maging productive ang iyong summer break, magiging bahagi ka pa sa improvement ng iyong school.
MAG-ADVANCE STUDY
Sa kaalaman ng lahat, ang bakasyon ay panahon lamang para mag-enjoy. Pero, puwede ka namang magbasa-basa sa libre mong oras. Mas madaling intindihin ang mga lesson kung na-scan mo na ito bago pa lamang ituro.
PAGHANDAAN ANG TAG-ULAN
Napaka-unpredictable ng weather sa Filipinas at isa pa, patapos na rin ang summer pagdating ng Hunyo. Isama mo na sa back-to-school shopping ang kapote, jacket at payong. Mahirap umabsent dahil sa sakit kung may pasok na. Maigi nang handa ka.
AYUSIN ANG BODY-CLOCK
Marami sa atin ang late na natutulog at tanghali na nagigising kapag bakasyon. Kaya naman ilang araw bago magpasukan, ibalik na sa rhythm ang iyong katawan. Ito ay upang hindi ka mahirapang bumangon lalo na kung maaga ang pasok.
SULITIN ANG BAKASYON
Siyempre, bilang na lang ang natitirang araw ng bakasyon kaya naman sulitin na ito. Gawin na ang mga bagay na hindi mo magagawa kung may pasok na.
Sunggaban na ang chance na makapag-swimming, gumala o maglaro.
Mas gaganahan kang simulan ang panibagong school year kung may magandang vacation memory ka na babaunin! Sabi nga nila Phineas and Ferb, “Summer belongs to you!”
Hindi biro ang pagsabak na naman sa isang buong taon sa pag-aaral, kaya’t kailangan ng paghahanda hindi lamang physically, pero pati na rin mentally at emotionally.
Mas exciting ang iyong pagbabalik sa eskuwela kung ikaw ay #Back-to-School-Ready! (photos mula sa google) RENALENE NERVAL
Comments are closed.