10 TIPSTERS NAGHATI SA P1.9-M PABUYA NG PNP

BILANG pagkilala sa pakikipagtulungan sa alagad ng batas para maresolba ang mga kaso at maaresto ang ilang kriminal, nakatanggap ng monetary reward mula sa Philippine National Police (PNP) ang 10 informants.

Ayon sa PNP, nais nilang kilalanin ang ginawa ng mga ito upang maging daan sa pagkakaaresto ng 11 most wanted persons.

Pinangunahan ni PNP Director for Intelligence Brig. Gen. Westrimundo Obinque ang pagkakaloob ng P1.9 milyon na pinaghatian ng mga informant.

Ayon kay Obinque, ang pagbibigay ng pabuya ay isa sa mga programa ng PNP para sa agarang pagkakadakip sa mga tinaguriang wanted person.

Ilan sa mga naarestong suspek ay pawang may kaso na murder, rape, robbery at carnapping. EUNICE CELARIO