10 YEARS VISA SA MGA SEAMAN HANDOG NG US

KASABAY ng pagbisita ni United States President Kamala Harris sa Pilipinas ay inihayag ng United State na palalawigin nila ng hanggang sampung taon ang US Visa ng seafarers at mga crew ng mga cruise ship bilang suporta sa maritime industry ng bansa.

Sa inilabas na Fact Sheet ng U.S kamakalawa ay nakasaad na ang karagdagang Visa Validity sa C1/D nonimmigrant visas para sa Philippine merchant at cruise ship crew personnel ng hanggang 10 taon.

Batid umano ng US government na dinodomina ng mga manggagawang Pinoy ang global cargo at cruise industries na umaabot sa mahigit 30 percent ng seafarers sa buong mundo.

“By increasing the visa reciprocity, the United States will further facilitate the travel of Filipino seafarers to strengthen the global supply chain, support the U.S. cruise industry, and continue providing an important source of income for Filipino workers,” nakapaloob sa inilabas sa fact sheet ng US.

Samantala, susuporta naman ang US Trade and Development Agency sa oras na magbaba ng go signal ang US congress kaugnay sa upgrading at expanding ng vessel traffic management system (VTMS) ng Philippine Coast Guard para mapabuti ang maritime safety and environmental monitoring nito.

“ As a nation comprised of over 7,000 islands and growing vessel traffic activity, the Philippines needs to expand its VTMS capabilities to cover major ports and navigation paths,” anang USTDA. VERLIN RUIZ