100 BAHAY NASUNOG SA STA. ANA

SINISIYASAT na ng tauhan ng Bureau of Fire Protection – Manila ang mga naisalbang bahay mula sa 100 na nasunog kahapon sa Sta. Ana, Maynila. Kuha ni NORMAN ARAGA

HALOS 100 mga bahay ang nasunog sa Sta. Ana, Maynila. Kahapon kung saan umaboty sa ikaapat na alarma, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Habang sa pagtaya ng BFP, nasa 300 pamilya ang apektado ng sunog sa residential area sa Radium Street, Brgy.  775.

Nagsimula ang sunog alas-6:06 ng umaga at makaraan ang anim na minuto ay umakyat na ito sa ikalawang alarma at mabilis inakyat sa ikaapat na alarma bandang 6:48 ng umaga.

Naging pahirapan ka­si ang pag-apula sa apoy dahil sa makitid na daanan papunta sa mga nasusunog na bahay.

Bandang 8:46 ng uma­ga ay idineklara namang fire under control ang sunog.

Ayon kay Fire Sr. Insp. Alejandro Ramos ng BFP Manila, naiwang kandidla ang nakikita nilang dahilan ng sunog lalo na’t ang bahay na pinagmulan ng sunog ay walang kuryente.

Tinatayang nasa higit P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang napinsala dahil sa sunog.

PMRT