100 CITY BUS DRIVERS BABAWIAN NG LISENSIYA

lisensya

MAKATI CITY – NASA  100 city bus drivers ang hindi makabibiyahe ngayong Kapaskuhan matapos na mapagdesisyunan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na papanagutin ang mga ito dahil sa sangkaterbang traffic violations.

Sa pulong balitaan sa Makati  noong Martes ay ibinigay ng MMDA sa Land Transportation Office (LTO) ang listahan ng 100 public drivers na may higit 100 traffic violations.

Ayon kay MMDA General Manager, Jojo Garcia, ang 100 bus driver at suspendihin ang kanilang lisensiya bago mag-Pasko.

Pahayag pa ni Garcia na base sa kanilang record ay may isang bus driver na may 533 violations simula pa noong 2006 bukod pa sa 24 na paglabag ngayong taon.

Nalaman lang ni Garcia ang santambak na violation ng bus driver matapos na ipahalukay nito ang data base ng LTO si­­mula 2005 at agad itong nag-utos  na parusahan ang mga pasaway na bus driver.

Ayon pa kay Garcia, na may kakulangan sa koordinasyon at computerized connectivity ng mga ahensya kaya’t nakakapag-renew pa rin ng lisensya ang ilang mga drayber na mayroong mga paglabag.

Nangako naman ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na huhulihin ang mga drayber na nasa listahan ng LTO at ang crackdown ay hindi lang para sa bus drivers kundi sakop din ang mga jeepney driver at motorista. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.