100 FIRMS LUMIPAT SA NETHERLANDS

NETHERLANDS

AMSTERDAM – Halos 100 kompanya ang nagsilipatan sa ­Netherlands mula sa Britain o nagtayo ng mga opisina roon upang makapasok sa European Union sa harap ng plano ng United Kingdom na kumalas sa grupo.

May 325 iba pang kompanya na na­ngangambang mawalan ng access sa European market ang nag-iisip na ring lumipat, ayon sa Netherlands Foreign Investment Agency.

“The ongoing growing uncertainty in the United Kingdom, and the increasingly clearer possibility of a no deal, is causing major economic unrest for these companies,” wika ni Jeroen Nijland, NFIA commissioner.

“That is why more and more companies are orienting themselves in the Netherlands as a potential new base in the European market.”

Ayon sa NFIA, ang mga negosyo ay nasa finance, information technology, media, advertising, life sciences at health.

Ang Netherlands ay nakikipagkumpetensiya sa Germany, France, Belgium at Ireland upang makahikayat sa Brexit-related moves.

Nangako si Prime Minister Boris Johnson, na umupo sa puwesto noong nakaraang buwan, na aalisin ang Britain sa European Union sa katapusan ng Oktubre, mayroon man o walang exit deal.   — Reuters

Comments are closed.