CAMP AGUINALDO – PINAIGTING pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang anti-terrorism operation kaugnay sa posibleng retaliatory o sympathy attack kasunod ng pagkakapaslang kay ISIS leader Abu Bakr al Baghdadi nang madiskubre ang 16 na pipe bombs na gamit ng mga terorista matapos na mapaslang at tatlong hinihinalang mga suicide bombers kabilang dito ang dalawang Egytian.
Kahapon, isa pang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf ang naaresto sa Indanan, Sulu sa follow-up operation ng awtoridad na nagresulta sa pagkakasamsam sa 16 na pipe bombs.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Mang” na siya na ring nagturo sa sa mga tauhan ng AFP-Joint Task Force Sulu ng mga pampasabog sa isang safehouse sa Barangay Paliguen pahayag pa ni Col. Gerald Monfort na kanilang tagapagsalita.
Binati naman ni Lt. Gen. Macairog Alberto, commander ng Philippine Army ang Joint Task Force Sulu sa tagumpay na counter-terrorism efforts.
Samantala, inihayag ni National security and international studies expert Prof. Rommel Banlaoi, na base sa kanilang pag-aaral halos 100 ang dayuhang terorista sa bansa.
Ayon kay Banlaoi, sa nasabing bilang, 40 ang nag-o-operate subalit tuloy-tuloy na tinitiktikan ng government forces.
Sinasabing lihim na tinutugis ngayon ng militar ang halos 10 terorista na target na ng kanilang hot pursuit operations.
Sa ibinigay na panayam sa media ni Banlaoi mayroon umano silang datos at may mga hawak silang ebidensiyang magpapatunay sa kanilang pag-aaral. VERLIN RUIZ
Comments are closed.