BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa, tuloy ang biyahe ng QCity Bus Service kahapon upang serbisyuhan ng libre ang publiko kabilang ang mga manggagawang may pasok pa rin kahit holiday.
Base sa abiso ng LGU, regular pa rin ang magiging operasyon ng QCity bus na may isang oras ang interval.
Samantala, may libre rin Point-to-Point Bus Shuttles ang QC LGU para sa lahat ng mga aplikanteng makikiisa sa Labor Day Job Fair nito.
Nagsimula ang serbisyo ng alas-7:30 ng umaga sa mga rutang SM North Edsa patungong Quezon City Hall; SM Sta.Mesa (Bus No.06) patungong Quezon City Hall; SM Novaliches (Bus No. 04) patungong Quezon City Hall Point-to-Point at SM Fairview (Bus No. 02) patungong Quezon City Hall.
Una nang inanunsyo ng QC LGU na nasa 100 kumpanya ang mag-aalok ng higit 9,000 trabaho at oportunidad sa loob at labas ng bansa sa labor day job fair na ginanap sa City Hall Risen Garden mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon na bukas din maging sa mga job seeker na hindi residente ng QC.
P ANTOLIN