INAASAHANG mapadadali ang pagbebenta ng mga aning palay ng mga magsasaka sakaling maisapormal ang iminumungkahing paglalaan ng loan facility sa pagitan ng Filipinas at Israel.
Sa ginanap na press conference sa Quezon City, sinabi ni James Amparo, pangulo ng Yovel East Research and Development Inc., na handang maglaan ng $100 milyong loan ang Mima Tech, isang Israel-based company group na handang magpahiram ng pondo para sa pagpapatayo ng rice processing facility sa buong bansa.
Layon ng naturang plano na maging moderno ang larangan ng agrikultura sa bansa kung saan kaalinsabay rin ito ng mga pinasok na mga kasunduan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita noong nakalipas na taon sa Israel.
Handa namang makipag-usap ang local partners na Yovel East gayundin ang Gilan Global Ventures Corp. sa bagong talagang si Agriculture Secretary William Dar upang maisakatuparan ang nasabing programa.
Aniya, nakikipag-usap na rin ang kanilang kompanya sa local government units (LGUs) para sa nasabing pagpapatupad ng loan facility.
“We never improved. Most of our produce, except for the majority of banana ang pineapple are going to local wet markets. Our pricing is dictated by the wet market. If it’s all going to this venue, it means the price is higher, making our produce less attractive to the global market and not competitive for export,” saad ni Amparo.
Idinagdag pa nito na sakaling maisakatuparan, hindi na magkakaproblema ang mga magsasaka kung papaano ibebenta ang kanilang mga aning palay at iba pang produkto kasunod ang pagtitiyak ng garantisadong kita ng mga magsasaka.
“A processing facility will be the heart and foundation for this system to work, it will be the main driv-ing force, the glue that will stick this all together,” pahayag pa ni Amparo. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.