BULACAN – NAKATANGGAP ang 100 mag-aaral ng Tiaong Elementary School sa Tiaong, Guiguinto, ng tsinelas mula kay Provincial Information Officer at Pangulo ng Guiguinto Parent-Teachers Association (PTA) Maricel Santos-Cruz kamakalawa.
Ayon kay Cruz, ang libreng sapin sa paa para sa mga mag-aaral ang kanyang sariling paraan upang sabihin sa mga bata na mangarap at tuparin ang mga pangarap na iyon.
Idinagdag niya na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan ang proyektong ito dahil alam niya na napapasaya niya ang mga bata sa sarili niyang paraan.
Sinabi rin niya na una pa lamang ito sa sunod-sunod na pamimigay ng tsinelas dahil balak niyang mamigay ng 2,000 pares ng tsinelas sa mga mag-aaral ng Guiguinto at mga kalapit na lugar. A. BORLONGAN
Comments are closed.