100 MOTORCYCLE COPS IKAKALAT SA CENTRAL LUZON PARA SA YULETIDE SEASON

PAMPANGA – MAGPAPAKALAT ng 100 motorcycle cops ang Police Regional Office 3 upang matiyak ang kaligtasan ngayong Holiday season.

Ang mga motorcycle cops ay bahagi ng matagumpay na pagbubukas ng Motorcycle Tactical Response Training at ng kanilang paghahanda para sa mas ligtas at mapayapang pagdaraos ng Yuletide Season.

Ang nasabing pagsasanay ay naglalayong pataasin ang kakayahan ng mga pulis sa mabilisang pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon gamit ang motorsiklo, kabilang ang emergency response, pagsugpo sa kriminalidad, at pagbibigay seguridad sa mga komunidad..

Ayon kay Brig  Gen. Redrici Maranan Regional Director ng PRO3, ang inisyatibong ito ay bahagi ng kanilang estratehiya na tinatawag na peace and order operational framework na may pormulang  EPP + QRT + CADCP= SR3 o ang  Enhanced Police Presence (EPP), Quick Response Time (QRT), at Counter Action against drug groups, criminal gangs, and private armed groups (CACDP) para sa Safe Region 3 (SR3).

“Layunin ng PRO3 na masigurong ligtas ang ating mga mamamayan, lalo na ngayong Yuletide season. Ang dagdag na presensya ng pulisya ay magbibigay hindi lamang ng kapanatagan kundi magpapalakas din ng ating kakayahan na tugunan ang anumang banta ng kriminalidad,” ani Maranan.

EUNICE CELARIO