100+ OBRA, 100+ PINTOR (Sa Art in Biodiversity sa UPLB)

ART-1

An art exhibit of 100+ local artists that aims to celebrate biodiversity and stir public consciousness on its endangerment  – Associate Professor Jerry R. Yapo

NATATAK  sa kasaysayan sa larangan ng sining  ang pagsasama-sama ng mahigit sa 100 pintor, eskultor sa isang makulay at matagumpay na pagbubukas ng Art in Biodiversity Exhibit na isinabay sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Loyalty Day ng University of the Philippines Los Baños nitong Oktubre.

 

DUMAYO rin si dating Tourism Secretary Gemma Cruz Araneta (pangalawa sa kaliwa) sa opening ng exhibit kasama sina (mula kaliwa) Jamie Mendoza ng University of the Philippines-Manila, Visual artist at isa sa mga lumahok sa exhibit Bing Famoso Tac-an, Ms. Ica Laurel Louwen at G. Jerry Yapo, director ng Office for Initiative in Culture and Arts ng UPLB.

 

Bumiyahe mula pa sa malalayong lugar  ang mga piling grupo ng mga pintor, eskultor  at mixed media artists  para makilahok  sa exhibit kasama ang kanilang mga natata­nging obra.

Inorganisa ni Professor Jerry Yapo, director ng Office for Initiative in Culture and Arts ng UPLB,  layunin  ng exhibit na maipakita ang kagandahan at kayabungan ng biological diversity  na dapat patuloy nang mapa­ngalagaan.

Halos isang taon ang ginawang pag­hahanda para sa natatanging exhibit na ito.  Walang kapaguran, inikot  ni Prof. Yapo ang  mara­ming lugar  sa buong bansa  upang mag-imbita ng Filipino artists  sa buong bansa.

 

ART-3
ANG mga artist mula sa iba’t ibang lugar kasama si G. Jerry Yapo, director ng Office for Initiative in Culture and Arts ng UPLB. Kuha ni MARK ODIAMAN

 

Mapapahanga ka nang husto sa iba’t ibang  obrang nakapinta at mga ni­lilok,  na  puno  ng mga mensahe. Tila buhay ang mga  obra  sa pagkakapinta ng magaga­ling na artists, na ang  layunin ay maiparating sa publiko  ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

Ang paglulunsad ng “Art in Biodiversity” ay dinaluhan nina Dr. Portia G. Lapitan, vice chancellor for academic affairs; Yaninee Nachom, first secretary of Royal Thai Embassy; dating Tourism Secretary Gemma Cruz Araneta.

Katulad ng pahayag ni Dr. Teodoro J. Herbosa, UP executive vice president,  ang event ay pagdiriwang ng pagkakaisa  ng si­ning at adbokasiya at napapanahon  ang  tema  ng exhibit  sa unibersidad, na kilala bilang  tagapangasiwa  ng Mount Makiling Forest Reserve na mayaman sa  biodiversity.

Kasalukuyang naka-display  ang  mga obra  sa  Sining Makiling sa Umali hall sa UP Los Baños  ng hanggang sa Disyembre 19 ng taong kasalukuyan. SUSAN CAMBRI

Comments are closed.