MAY kabuuang 100 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait ang nakauwi na.
Sinalubong ni Overseas Workers Welfare Association (OWWA) Administrator Arnaldo Ignacio at ng isang airport team ang mga OFW na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Bahagi ito ng repatriation program ng pamahalaan kung saan nangako ang OWWA at Migrant Workers Office na tutulungan ang mas maraming Pilipino na gusto nang umuwi sa bansa.
May 20 OFWs ang naunang pinauwi noong August 21 at 50 pa noong August 25.
Ang mga OFW ay binigyan ng pagkain, hotel accommodations, at transportasyon sa kani-kanilang probinsya.
Tumanggap din sila ng financial aid.