100 OFWs MULA RIYADH BALIK BANSA

RIYADH

MAKAKAUWI  na ang mahigit 100 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Riyadh.

Karamihan sa  manggagawang Pinoy ay  tumakas mula sa amo habang ang iba ay natapos na ang kontrata ngunit walang sapat na pera para makauwi ng Filipinas.

Tiniyak ni  Labor Secretary Silvestre Bello III na inasistehan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga OFW  na pansamantalang nanirahan sa embahada ng Filipinas sa Riyadh habang inaayos ang mga dokumentong gagamitin para sila ay makauwi. DWIZ882

Comments are closed.