100 PAMILYA NAGSILIKAS DAHIL SA BAKBAKAN

SOUTH COTABATO- UPANG makaiwas sa trahedya, nagpasiya ang halos 100 pamilya na iwan ang kanilang mga bahay makaraang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga armado at pulisya sa Baranay Lapu, Polomolok.

Ayon kay I Barangay Lapu Kapitan Mercy Alonzo, dahil sa takot ng mga residente ay lumikas ang mga ito at nanatili ngayon sa barangay gym.

Samantla, kinumpirma naman ni Pol. Lt. Redin Cuevas, hepe ng Polomolok PNP nagkaroon nga nga engkwentro sa kanilang panig laban sa mga armado.

Matatandaan na napatay sa operasyon ang kasapi ng NIlong group na iniuugnay din sa Dawlah Islamiya ISIS-terrorist group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *