AABOT sa 100 senior citizens ang nadagdag sa bilang ng mga nabigyan ng trabaho sa ilalim ng work-for-pay program ng Ang Probinsyano party-list katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Pinakahuling pumirma sa kasunduan sina MIAA General Manager Ed Monreal at Pasay City Mayor Emi Rubiano-Calixto para makapagtrabaho sa NAIA ang 100 senior citizens na naninirahan malapit sa airport.
Ayon kay Ang Probinsyano pary-list Rep. Ronnie Ong, nagpapasalamat siya sa suporta ng gobyerno para maibalik at maiparamdam sa mga senior citizen ang kanilang mahalagang papel sa lipunan.
Umaasa naman si Labor Sec. Silvestre Bello III na maisasakatuparan ang programa sa buong bansa.
Unang inilunsad ang special job program for seniors sa PUP, na ngayo’y mayroon na rin sa UP-Diliman, Philippine Children’s Medical Center, National Bureau of Investigation (NBI) at Central Visayas.
Ikinatuwiran ni Ong sa pagsusulong sa programa na balewala ang mga diskwento kung wala rin namang panggastos ang mga senior. CONDE BATAC
Comments are closed.