(100 pares ang ikinasal) IBA’T IBANG EKSENA SA KATATAPOS NA “KASALINAS”

ROSARIO, CAVITE- ISANG buwang punong-puno ng pag-ibig at pagmamahalan ang nagbigay kulay sa mahigit 100 pares na ikinasal sa buong buwan ng Pebrero ng taong ito na tinaguriang “Kasal-inas”.

Walang hanggang pagmamahalan, ang naging pangako ng bawat magkasintahan matapos na ikinasal nina Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente, Rev. Fr Ned Nazareno at Rev. Fr. Leoben Peregrino ng Parokya ng Sto. Rosario.

Sa loob ng isang buwang kasalang-bayan ay nagningning ang iba’t ibang eksena mula sa mga hindi inaasahang sasakyan ng bride at groom.

Nagpapakita ng pangkaraniwan at kababaang-loob bilang isang lahing Pilipino at isang mamamayang taal na taga-Rosario.

Bridal Trike, Bridal Bike, at Bridal Motorbike ang ilan lamang sa mga hindi malilimutang eksena. SID SAMANIEGO