PARANAQUE CITY- IDINEPLOY ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang 100 tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 upang makatulong at mag-assist sa mga dumarating repatriated Filipino seafarers at land base workers sa airport.
Ayon sa pahayag ni PCG Task Group Commander Capt. Luisito Sibayan, ang kanilang pagpapadala ng Coast Guard personnel ay bilang pagpakita ng kanilang kooperasyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para makatulong sa mga dumarating na overseas Filipino workers (OFWs) sa NAIA.
Ayon pa nito ang kanilang magiging papel sa hanay ng mga OFW, sila ang naatasan na magdala sa mga ito sa Pier 15, pagkatapos ng physical na eksaminasyon sa NAIA para sumailalim ng ng 14-day quarantine sa loob ng barko na nakadaong sa Pier.
Ayon naman kay Manila International Airport Authority ( MIAA) Public Affairs Office (PAO) chief Connie Bungag, naisakatuparan ang repatriation sa mga seafarer sa pakikipagtulungan ng malalaking manning cruise ship agencies at koordinasyon ng pamahalaan .
Samantala, sagot naman ng manning agency ang mga pamasahe ng mga OFW mula sa ibang bansa at maging ang gastusin sa 14-day quarantine sa mga designated area o hotel, habang nananatili ang mga ito sa loob ng quarantine facilities.
Sinang-ayunan naman ni GM Ed Monreal ang nagging hakbang ng mga ito at aniya nakahanda ang kanyang mga tauhan na makipag-tulungan sa PCG sa pag-assist sa incoming OFW sa airport.FROI MORALLOS
Comments are closed.