APRUB na sa bicameral conference committee na mapunta sa mga empleyado ang 100% ng sinisingil na service charge sa mga establisimiyento tulad ng hotel at restaurants.
Nagkasundo na ang bicam sa panukalang ibigay lahat sa mga trabahador ang ipinapataw na service charge sa total bill ng kanilang mga kostumer.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate committee on labor and employment, kapuwa aprubado ito ng mga senador at kongresista.
Nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ng senador mula sa mga manggagawa na hindi nila natatanggap ang lahat ng service charge na hinahati pa ng kanilang mga employer.
Ang panukala ay tumatapos sa 85-15 percent sharing ng mga establisimiyento sa mga empleyado at management.
Lumabas na ang 15% sa service charge ay napupunta sa may-ari ng establisimiyento dahil sa katuwiran na may mga gastusin o bayarin.
Sakaling maging batas ang panukala, inatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbalangkas ng IRR kung magkano ang ipapataw na multa at parusa sa mga lalabag na may-ari ng establisimiyento.
Comments are closed.