NEGATIBO ang may 100 tauhan ng Manila Police District (MPD) sa surprise drug testing na isinagawa sa headquarters nitong Lunes.
Pinangunahan ni MPD Chief BGen. Andre Dizon ang drug test na sinundan ng kanyang mga staff at ilang head unit sa MPD headquarters.
Ayon kay Maj. Philipp Ines, hepe ng PIO-MPD, isinagawa ang sorpresang drug test para malaman kung may mga kabaro silang gumagamit ng ilegal na droga.
Bahagi rin umano ng internal cleansing ng Philippine National Police (PNP) matapos na magpositibo sa drug test ang hepe ng Mandaluyong Police na si Col. Cesar Gerente.
PAULA ANTOLIN