NAVOTAS CITY – HIGIT 1,000 batang Navoteño ang nakakuha ng libreng talent at sports workshops na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.
Umabot sa 289 ang natuto kung paano umarte, sumayaw, gumuhit, maggitara at mag-arnis sa Summer Youth Program (SYP).
Samantala, 865 naman ang nag-training sa ilalim ng NavotaAs Sports Camp Batch 17 kung saan natuto sila ng basketball, volleyball, badminton, taekwondo, table tennis, judo, track & field, soccer, poomsae at swimming.
Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco, nararapat lang na magkaroon ng access ang mga batang Navoteño sa mga training at workshops na maaaring makalinang sa kanilang hilig sa sining o sports. Ang SYP na isinasagawa isang beses bawat taon ay bukas sa lahat ng Navoteño edad 7-18.
Inilunsad ang nasabing programa noong 2000 sa termino ni dating mayor at ngayon ay Cong. Toby Tiangco para mahimok ang mga kabataan na tuklasin at payabungin ang kanilang mga talent.
Ang sports clinic ay isinasagawa tatlong beses isang taon bilang bahagi ng kampanya ng lungsod laban sa ilegal na droga. VICK TANES
Comments are closed.