1,000 BAKUNA PARA SA FRONTLINERS NG BENGUET

ISANG libong bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ipinadala ng pamahalaan sa Benguet nitong Biyernes para maprotektahan ang frontliners sa kumakalat na UK variant ng COVID.

Pinasalamatan ni ACT-CIS at Benguet Caretaker Cong. Eric Yap si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez dahil pinakinggan ng kalihim ang kanyang request na bakuna.

“Maraming salamat Sec. Galvez at isa ang Benguet sa na-prioritize na mapadalhan ng 1,000 doses ng Sinovac,”ani Yap.

“Timing ang pagdating ng Sinovac dahil mahigpit naming minomonitor sa Benguet itong UK variant dahil may mga tinamaan na sa aming mga kababayan doon”, dagdag pa nito.

Anang mambabatas, ibibigay ang 1,000 doses sa mga medical frontliners sa Benguet General Hospital at sa mga district hospital sa lalawigan.

“Kailangan po talagang unahin ang ating medical frontliners kasi kung sila ang magkakasakit, sino pa ang gagamot o mag-aalaga sa mga tao na tatamaan ng CO­VID?,” hirit pa ni Yap. PMRT

Comments are closed.