1,000 FILIPINO NURSE KAILANGAN SA SAUDI

SAUDI ARABIA – NASA 1,000 Filipino nurse na babae ang kailangan ng Ministry of Health para sa kanilang mga ospital na may kani-kaniyang specializations.

Sa anunsiyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ang mga interesado ay maaaring isumite sa nasabing tanggapan ang kanilang applications nang walang babayaran.

Kabilang sa requirements  ay dapat pasado sa board o holder ng  PRC license at may dalawang taong karanasan bilang nurse.

Ang mga benepisyo ng masusuwerteng matatanggap ay paid annual vacation leave, free round trip plane tickets sa Filipinas at libreng food and housing.

Ang matatanggap ay may starting wage na mahigit 4,000 riyal o mahigit P58,000 at maaari pang tumaas ng hanggang P90,000, ayon kay Jocelyn Sanchez, deputy administrator ng POEA.

Para sa nais mag-apply, mag-register lamang sa POEA website at kompletuhin ang mga requirement bago magtungo sa POEA office.

Maging ang Germany at United Kingdom ay nangangailangan din ng mga nurse.      EUNICE C.