MANDALUYONG CITY – NANGANGAILANGAN ng 1,000 Filipino nurses ang Saudi Arabia habang 150 emergency medical technicians ang Abu Dhabi, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Sa anunsiyo ng POEA na ang hiring ng manggagawa ay isasailalim sa government to government scheme na makatitiyak na protektado ang karapatan ng mga OFW.
Ang qualified applicants para sa nasabing posisyon ay hindi nangangailangan ng placement fee.
“Sa 1,000 na female nurses po natin, ang benepisyo po na ino-offer ng Kingdom of Saudi Arabia ay paid annual vacation with free round trip economy ticket, as well as free food and accommodation,” ayon kay POEA Deputy Administrator Ventura Plan.
Ang inaasahang suweldo ay nasa P58,000 na maaaring tumaas kada taon.
Paglilinaw naman ng POEA, na ang mga applicant ay dapat registered nurses, may karanasan na ng dalawang taon, nakapag-duty na sa operating room at emergency room.
Para sa kompletong requirements, bisitahin lamang ang www.poea.gov.ph.
Bukas na rin ang deadline para sa submission ng application sa mga regional office at November 16 para sa main POEA office. EUNICE C.