PUMALO na sa mahigit 1,000 ang naitalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ng Parañaque.
Sa kabila nito, ang lungsod naman ang nakapagtala ng may pinakamataas na bilang ng recovery rate sa naturang virus sa buong Metro Manila.
Ito ay kinumpirma ni Dr. Darius Sebastian, hepe ng City’s Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na nagsabing sa kanilang datos noong Hunyo 27, ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay umabot na sa 1,024 na may karagdagang 85 kaso ng naturang virus sa loob lamang ng 3 nakaraang araw.
Inihayag ni Sebastian na ang pinakamalaking subdibisyon sa lungsod na Barangay BF Homes ang siya na ngayong nangunguna sa 16 barangay sa lungsod na may pinakamalaking bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na may bilang na 116.
Ang Barangay BF Homes sa kasalukuyan ay may 43 aktibong kaso ng virus, 64 ang nakarekober samantalang siyam naman ang namatay. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.