TAGUIG CITY – UPANG matiyak ang seguridad, nasa 700 hanggang 1,000 pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga rutang daraanan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of the Stars ngayong araw.
Ayon kay NCRPO acting director Brig. Gen. Debold Sinas, nakipag-ugnayan na sila sa mga facilitator ng Taguig City, ang host ng Parade of the Stars ngayong taon, na katatampukan ng mga float ng walong pelikulang kalahok sa festival.
Magsisimula ng ala-1:00 ng hapon ang parada at tatagal hanggang alas-7:00 ng gabi.
Sa ngayon ay patuloy ang pagsasaayos ng mga pulis para sa kanilang deployment sa mga rutang daraanan ng parada. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM