LANADO DEL SUR- NANATILI pa rin sa evacuation centers ang mahigit 1,000 pamilya sa lalawigang ito bunsod ng sagupaan ng militar at Maute-ISIS terrorist group sa Tuburan.
Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, hindi pa pinababalik ang mga ito sa kanilang bahay dahil nagpapatuloy ang operasyon ng militar laban sa grupo ng Maute na pinamumunuan ngayon ni Abu Dar.
Ang mga pamilyang lumikas, aniya, ay mula sa Tubaran at Pagayawan sa Lanao Del Sur na hindi pa nila matukoy kung kailan makababalik sa kanilang mga bahay.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Brawner na hindi kasama si Abu Dar sa limang terorista na kinukumpirma nilang nasawi sa 24 oras na sagupaan kamakalawa sa nasabing bayan. R.SARMIENTO