1,000 PINOY WORKERS KAILANGAN SA ISRAEL

workers

MAYNILA – LUMAGDA ng kasunduan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Israel government para sa pangangailangan ng manggagawa sa Middle Eastern nation.

Partikular na kailangan ng Israel ang mga cleaner sa Israeli hotels na nakasaad sa kasunduan na nilagdaan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin.

Magugunitang nang dumalaw sa Israel si Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre, isang kasunduan ang nalagdaan ng dalawang bansa at may kaugnayan sa kapakanan ng mga Filipino caregiver.

Habang ang katatapos na paglagda naman ay dahil nangangailangan ng mahigit 1,000 cleaners sa mga Israeli hotel.

Batay sa record ng Philippine Embassy sa Israel, mayroon nang 28,000 Filipino ang nagtratrabaho sa nasabing bansa.  EUNICE C.

Comments are closed.