MANDALUYONG CITY – NASA 300 hanggang 1,000 caregiver jobs ang magbubukas sa Japan para sa mga Filipino at inaasahang bago matapos ang taon ay puspusan ang kanilang hiring, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Kamakailan ay nabalangkas nang Japanese government ang kanilang gabay para sa Technical Internship Training Program (TITP) at inaasahan na malalagdaan na ang implementasyon nito sa susunod na buwan.
Sinabi ni POEA deputy administrator Jocelyn Sanchez na ang mga aplikante ay dapat bantayan ang mga job order mula sa POEA-licensed recruit-ment agencies.
“Mag-abang and mag-prepare na rin ‘yung mga tao sa mga document para sa nasabing bansa,” ayon kay Sanchez.
Hindi naman idinetalye kung magkano ang magiging suweldo subalit tiniyak ng POEA na mas mataas ang sahod ng care workers sa Japan kumpara sa ibang Asian at European countries.
Isa naman sa requirement ay dapat tapos ng caregiving course ang aplikante at hindi mahalaga kung kaunti lang ang alam sa Nihongo.
Kapag aniya nakapasa sa job interview at screening, ang Japan na ang babalikat sa language training fee.
Bukod sa TITP, nakikipag-usap na rin ang POEA sa Chinese government hinggil naman sa 1,000 jobs for Filipino English teachers. EUNICE C.
Comments are closed.