1000 TAMA, NABURA SA ISANG MALI — ARNEL PINEDA

Masamang-masama ang loob ni Filipino singer Arnel Pineda, frontman ng American rock band na The Journey, matapos makatanggap ng napakaraming batikos kaugnay ng kanyang performance sa Rock in Rio noong isang linggo.

Ani Pineda, nagpapasalamat siya sa mga nanood ng kanilang show mula pa noong February.

“I appreciate you so much…and not only that, every time that I’m on stage with the band, I feel this immense gratitude, humility and honor,” aniya.

Ngunit noong September 15, sa performance niya sa Rio de Janeiro, nagkaproblema umano sa kanyang ear monitors kaya pumalpak siya.

Devastated umano siya sa nangyari, mentally and emotionally, ngunit mas nasaktan siya sa mga kumento ng mga kapwa niya Filipino.

“It’s really amazing how one thousand right things you have done will be forgotten just cause of THIS. And of all the places , it’s in Rock In Rio… mentally and emotionally, I’ve suffered already, and I’m still suffering, but I’ll be ok,” dagdag pa niya.

Maraming kritiko ang nagsabing mas makabubuting magbitiw na si Arnel bilang vocalist ng The Journey dahil laos na umano ito.

Willing daw naman siyang umalis, basta umabot sa one million ang magsasabi nito.

Seventeen years nang vocalist ng legendary group na The Journey si Pineda, at ito ang unang pagkakataong pumalpak siya dahil sa technical problems.

Sa ngayon ay 57 years old na si Pineda ngunit nananatili pa rin ang husay sa pagkanta.

Ang kanilang banda ang nagpasikat sa mga awiting “Open Arms,” Faithfully,” at “Don’t Stop Believin.'”

Isinilang at lumaki sa Maynila, sumali si Pineda sa Journey bilang lead vocalist noong 2007. Pinalitan ni Pineda ang original vocalist ng Journey ba si Steve Perry.

RLVN