10,019 BAGONG COVID-19 CASES; 7,425 GUMALING

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 10,019 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa araw ng Huwebes.

Batay sa case bulletin #572 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,632,881 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang Oktubre 7, 2021.

Sa naturang bilang, 4.4% pa o 115,328 ang nananatili pang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 77.1% ang may mild symptoms, 13.6% ang asymptomatic, 5.33% ang moderate, 2.7% ang severe at 1.2% ang kritikal.

Nakapagtala pa ang DOH ng 7,425 pasyente na gumaling na rin mula sa karamdaman kaya’t umakyat na sa 2,478,616 ang total COVID-19 recoveries ng bansa o 94.1% ng total cases.

Nakapagtala rin ang DOH na 109 pasyenteng namatay dahil sa kumplikasyon ng COVID-19.

Sa kabuuan, mayroon nang 38,937 COVID-19 death toll ang Pilipinas o 1.48% ng total cases.

Samantala, mayroon pa ring 55 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, at sa naturang bilang, 35 ang recoveries.

Mayroong 56 kaso ang unang na-tagged bilang recoveries ngunit malaunan ay natukoy na namatay na pala sa pinal na balidasyon.

“All labs were operational on October 5, 2021 while 4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 4 non-reporting labs contribute, on average, 0.3% of samples tested and 0.4% of positive individuals,” anang DOH.

“The DOH will be reporting additional deaths tomorrow in a separate advisory, to reflect numbers not included in the previous case bulletins due technical issues encountered with COVIDKaya,” anito pa. Ana Rosario Hernandez

117 thoughts on “10,019 BAGONG COVID-19 CASES; 7,425 GUMALING”

  1. 645562 270568I was recommended this internet web site by my cousin. Im not positive whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my trouble. Youre amazing! Thanks! 261205

Comments are closed.