100K BANGUS FINGERLINGS IPINAMAHAGI SA FISHPOND OWNERS

BULACAN- NASA 100,000 fingerlings ng Bangus ang personal na ipinamahagi ni Meycauayan City Mayor Atty Henry Villarica sa 35 fishpond operators sa nabanggit na lungsod.

Katuwang ng Alkalde, ang mga kinatawan ng Brgy.Ubihan, Liputan at Longos nito Miyerkules ng umaga.

Nabatid na tig -15 plastic ng bangus fingerlings ang bawat fishponds operators.

Kabilang sa nakatanggap ng Kakawag o bangus fingerlings sina Tatay, Virgilio Andaya,Romulo Baldivas,Virgilio Castro, Arnel Gutierrez at Nino Morales ng Brgy, Longos.

Samantala, tiniyak ng Punong Lungsod patuloy niyang tutulungan ang fishpond operators upang magkaroon sila ng karagdagang kabuhayan at maging ang iba pang maliliit na mamamayan.

Tiwala ang alkalde na malaking tulong sa kanyang kababayan ang malasakit ng lokal na pamahalaan. THONY ARCENAL