HALOS 100,000 Chinese POGO workers ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa Filipinas.
Ito ang ibinunyag ni Teresita Ang-See, pangulo ng Philippine Association of Chinese Studies, kung saan nagsimula, aniya, ang pagbabakuna sa Chinese POGO workers noong Nobyembre na isang bagsakan lamang na 200,000 doses.
Ayon kay Ang-See, kalagitnaan ng Disyembre nang mapaulat na nagpositibo sa virus ang isa sa 100,000 na nabakunahan.
Binigyang-diin naman ni Ang-See na lehitimo o sa official channels nagmula ang bakuna kontra COVID-19 na itinurok sa mga Chinese POGO worker maging sa mga miyembro ng Presiential Security Group (PSG).
Natutuwa naman ang Malakaniyang kung totoo ang naging pahayag ni Ang-See dahil nangangahulugan umano ito na 100,000 na ang nabawas sa posibleng carrier ng coronavirus. DWIZ 822
Comments are closed.