100K JEEPNEY DRIVERS NABIGYAN NG AYUDA

JEEPNEY DRIVER

HALOS  100,000  jeepney drivers sa Metro Manila ang nabigyan ng ayuda habang naka-quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)  pandemic.

Ito ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Rene Glen Paje,  kasunod na rin ng pakikipag-ugnayan nila sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  at Land Bank of the Philippines kaugnay sa pagbibigay ng ayuda sa jeepney drivers.

Sinabi ni Paje na mayroong mga driver na beneficiary na ng ibang programa ng gobyerno ang hindi na binigyan ng ayuda mula sa DSWD. DWIZ882

Comments are closed.