PARAÑAQUE CITY -NASA 100,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang natulungan ng pamahalaan para mapauwi sa kani-kanilang probinsiya
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa kabuuan, 96,792 OFWs ang na- repatriate ng pamahalaan dahil na rin sa epekto ng coronavirus pandemic.
Gayunman ang naunang batch na 1,691 home-bound OFWs ay negatibo naman sa COVID-19.
Magugunita, noong buwan ng Mayo, umaabot sa 34,000 OFWs ang tinulungan ng pamahalaan para makauwi sa kani-kanilang probinsiya habang mahigit sa 61,000 ay halos araw araw napapauwi sa mga nakalipas na buwan.
Ang tracking systen o ang tinatawag na OFW Assistqnce Information Sytem (OASIS) ay itinalaga sa command center para sa maayos na repatriation sa mga nagbabalik at umaalis sa bansa na OFWs
Bukod sa transportation assistance, ang OWWA, sa pakikipagtulungan ng Philippine Recruitment Agencies (PRAs), at Licensed Manning Agencies (LMAs), ay nagkaloob ng hygiene kits at accommodation sa mga umuuwing OFWs
Samantala,umaabot sa 572,442 ang bilang ng mga OFWs na apektado ng pandemic at nangangailangan ng tulong.
Ayon sa OWWA, 240,583 request for assistqnce sa ilalim ng inaprubahang AKAP program na kung saan 203,585 sa mga ito ang nakatanggap ng emergency aid.
Ang AKAP ay one-time cash assistance na $200 o katumbas ng P10,000 na ibinibigay sa mga repatriated OFWs na apektado pandemya. LIZA SORIANO
Comments are closed.