100K STUDES BINIGYAN NG LEARNING PACKETS

Las Pinas

UMAABOT sa 100K estudyante ang napagkalooban ng learning packets ng lokal na pamahalaan ng Las Pinas bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Ayon kay City Administrator Rey Balagulan, natapos ang distribusyon ng learning packets  mula sa mga kinder hanggang senior high school noong Setyembre 15.

Nabatid na sa kabuuang 43 public schools, nag-aalok lamang sila ng isa hanggang dalawang section kada baytang para sa mga mag-aaral sa online classes habang ang ibang estudyante naman na hindi mapapabilang sa online classes ay mag-aaral ng modules kung saan ang kanilang mga magulang o guardians ang kukuha ng mga ito sa mga eskwelahan.

Nilinaw din ni Balagulan, ang mga estudyante ng Las Pinas Science High School (LPSHS) mula Grade 7 hanggang Grade 12 ay sasailalim sa online classes.

Samantala, sa Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College (DFCAMC), naipamahagi na ang learning packets sa 1st at 3rd year college students na kung saan 302 dito ang nakakuha habang 372 naman ang nagsabi na hindi nila kayang sumabay sa online classes

Base sa survey, karamihang mag-aaral ay walang laptops, tablets o kahit man lamang cellular phones at walang wifi para sa pag-aaral sa online classes.

Ganito rin ani Balagulan ang sitwasyon sa IT Campus, 81 estudyante ang walang kakayahang mag-aral sa online class habang 76 estudyante naman ay nakakuha na ng learning packets. MARIVIC FERNANDEZ

4 thoughts on “100K STUDES BINIGYAN NG LEARNING PACKETS”

  1. 267576 739417We maintain your page. Watch it offline once more soon. Really interesting write-up. 410678

Leave a Reply

Your email address will not be published.