LUMALABAN nang husto ang party-list representative No. 101- ACT-CIS (Anti- Crime and Terrorism through Community Involvement and Support) sa palakasan ng campaign nila sa iba’t ibang medium sa major TV networks, sa palakihan ng billboards, sa radyo, pati na sa print ads, etc.
Sobrang lakas ng impact nito sa madlang botante dahil ang endorser ng 101-ACT-CIS ay ang pamoso at kontrobersiyal na hard-hitting, highly objective broadcast journalist na si Erwin Tulfo. Kasama rito ni Erwin as endorser ang isa pang palabang broadcast journalist at kuya niya na si Raffy Tulfo.
Pareho silang top-rated and highly credible commentators in print and broadcast medium. Saan ka pa? Straight to the heart and mind ang mantra ni Erwin Tulfo sa kanyang campaign. Bibigyan ng pangil ang batas kontra kriminalidad. Susuportahan din ng 101-ACT-CIS ang war on drugs, criminality at corruption ni Pres. Rodrigo R. Duterte whose first nominee ay si Eric Go Yap.
Ang mga nasabing platform at adbokasiya ay araw-araw na tinatalakay ng magkakapatid sa kanilang respective programs in print and broadcast. It’s second skin to them kaya nga parehong silang nagkakape in the morning ng death threats and the like, pero “no fear,” and ‘ika nga hazards of the trade.
Truth and service above all to the victims of all sorts of social injustices in a highly corrupt country like ours Hindi man natuloy ang balak sanang pagtakbo ni Erwin para sa Senado at Kongreso sa eleksiyong ito, pero nagsilbing dry run ang intelligent at highly persuasive visuals and content ng nasabing ad campaign sa balak ni Erwin to run for public office sa susunod na halalan. Sa isang interbyu sabi ni Erwin: “Board of directors lang kami ni Tol Raffy, pero everything may mga laws we talk about it. Decision ng board ‘yun na di muna kami tatakbo ni Tol Raffy either sa Senate or Congress.” Go for 101!